Pilot testing ng mga motorcycle taxis tuloy

Pilot testing ng mga motorcycle taxis tuloy

by Powered by DWIZ
33 views

Naharang ang plano ng Department of Transportation inter-Agency Technical Working Group (DOTr–TWG) na ipatigil na simula sa susunod na linggo ang pilot testing o programa sa mga motorcycle taxis.

Ito ay matapos makausap ni Senador Christopher Bong Go si Transportation Secretary Arthur Tugade sa telepono at si LTFRB Chairman Martin Delgra na dumalo rin sa pagdinig ng senate committee on public services.

Ayon kay Go, sinabi sa kanya ni Tugade na hahahayaan nang magpatuloy ang pilot testing ng mga motorcycle taxis tulad ng Angkas, Joy Ride at Move It hanggang matapos ang paggawa ng batas na magsasa-legal dito.

Sinabi ni Go, kanya pa ring irerekomenda kay Pangulong Rodrigo Duterte ang pagpapatuloy sa operasyon ng mga motorcycle taxis kahit pa nagbigay na ng pagtiyak si Tugade.

Aniya, igigiit niya sa Pangulo ang naibibigay na tulong ng mga motorcycle taxi sa mga mananakay bilang alternatibo at mas mabilis na transportasyon.

Binigyang diin pa ni Go ang pagkakaroon ng mahinahong pag-uusap sa pagitan ng DOTr, LTFRB at mga motorcycle companies.

Una rito, inirekomenda ng TWG ang pagpapatigil sa pilot testing ng mga motorcycle taxis at pagpapaaresto sa mga lalabag dito na inaprubahan anila ni Tugade. — ulat mula kay Cely Ortega-Bueno (Patrol 19)

0 comment

Related Posts