Pilipinas walang tsunami threat matapos ang magnitude 7.1 na lindol sa Indonesia —Phivolcs

0
19

Walang banta ng tsunami sa Pilipinas matapos ang pagtama ng magnitude 7.1 na lindol sa Indonesia, pasado 12:18 a.m. ng hating gabi ngayong Biyernes, Nobyembre 15.

Ito ang inihayag ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs) batay na rin sa kanilang ipinalabas na tsunami information.

Una na ring nagpalabas ng tsunami alert ang Indonesia matapos ang pagtama ng lindol sa karagatan malapit sa Molucca.

Ayon kay Indonesian Geophysics Agency Official Rahmat Triyono, bagama’t hindi inaasahang tatama sa kalupaan ang tsunami, kanila pa ring inaalerto ang lahat.