29.5 C
Manila
Sunday, April 21, 2024

Pilipinas makikiisa sa ginagawang clinical trial sa gamot sa COVID-19 ng WHO

- Advertisement -

Inihayag ng Pilipinas na makikiisa ito sa World Health Organization (WHO) sa isasagawang clinical trials sa paghahanap ng lunas sa coronavirus disease 2019 (COVID-19).

Ayon sa kagawaran ng kalusugan, ito ay malawakang pag-aaral ng iba’t-ibang bansa para makahanap ng lunas sa naturang virus.

Kasunod nito, ipapadala ng bansa si Dr. Marissa Alejandria, Presidente ng Philippine Society for Microbiology and Infectious Diseases sa naturang clinical trial para katawanin ang bansa.

Habang si Usec. Maria Rosario Vergeire ang magsisilbing liaison ng kagawaran para sa WHO.

Samantala, ilan sa mga lalahok sa pag-aaral ay ang mga bansang Argentina, Bahrain, Canada, France, Iran, Norway, South Africa, Spain, Switzerland at Thailand.

Sa panulat ni Ace Cruz.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -