Pilipinas makatatanggap ng karagdagang eroplano mula US

0
60

Nakatakda nang ipamahagi ng Estados Unidos sa Pilipinas ang apat pang OV-10 Bronco light attack aircraft ngayong taon o sa unang bahagi ng taong 2019.

Libre lamang matatanggap ng Armed Forces of the Philippines o AFP ang mga OV-10 Bronco bilang bahagi ng Air Force modernization.

Ayon kay Defense Secretary Delfin Lorenzana, shipment lamang ang babayaran ng Pilipinas para sa mga nabanggit na eroplanong ginamit pa noong Vietnam war.

Bagaman mahigit limampung (50) taon na, ginamit din ang mga OV-10 sa pagbagsak ng mga bomba sa limang buwang bakbakan ng mga tropa ng gobyerno at Maute-ISIS sa Marawi City, noong isang taon.

—-