Pilipinas magho-host ng 2020 Badminton Asia Team Championships

0
21

Nakatakdang i-host ng Pilipinas ang isang continental event sa susunod na buwan.

Ito ay matapos ibigay ng Badminton Asia sa Pilipinas ang hosting rights ng ikatlong Badminton Asia Team Championships.

Ang nasabing tourney ay sinimulan na ngayong araw na ito at tatagal hanggang 16 sa Rizal Memorial Coliseum sa Maynila.

Bukod sa pagiging qualifier para sa Thomas at Uber Cups sa Denmark sa Mayo magsisilbi rin ang torneyo bilang isa sa huling mga tsansa para sa shuttlers na makaipon ng puntos para ma-qualify sa 2020 Tokyo Olympics.

Halos 300 shuttlers mula sa iba’t-ibang panig ng Asya ang lalahok sa event sa pangunguna ng defending men’s champion na Indonesia at women’s champion na Japan.