Iran inaming aksidenteng napabagsak nila ang Ukrainian airplane

0
29

Inamin na ng Iran na pinabagsak nila ang Ukranian passenger jet na ikinasawi ng 170 katao na lulan nito.

Sa isang pahayag, sinabi ng Iran na hindi naman sadya o unintentional ang paglulunsad nila ng missile sa bumagsak na eroplano.

Sa naturang pahayag, tinukoy ng Iran na “human error” lamang ang pagpapakawala nila ng missile sa eroplano.

Kaugnay nito, sinabi naman ni Iranian President Hassan Rouhani na labis nilang pinagsisihan ang kanilang pagkakamali.

Gayunman, humingi naman ng paumanhin ang Iran sa naganap na insidente at nangakong hindi na ito mauulit pa.