35.9 C
Manila
Saturday, April 20, 2024

Pilipinas hindi pa ligtas sa ASF — DA

- Advertisement -

Hindi pa tuluyang ligtas sa African Swine Fever (ASF) ang Pilipinas.

Ito ang binigyang diin ni Agriculture Sec. William Dar kung saan sinabi nitong hindi pa ASF free ang bansa kahit na bumaba ang kaso ng ASF sa Pilipinas.

Ayon kay Dar kahit na bumaba na ang kaso o ang incidence rate ng ASF ay hindi pa nawawala ang virus sa bansa.

Aniya, may ilan pa kasing napapaulat na kaso ng ASF sa ilang bahagi ng bansa.

Kaugnay nito, sinabi ng kalihim na mag papatuloy ang kanilang mga ipinatutupad na quarantine protocol sa bansa, lalo na sa mga paliparan.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -