Friday, May 3, 2024

Partial deployment ban sa Kuwait aprubado na ng POEA

- Advertisement -

Nag-isyu na ang Phil. Overseas Employment Administration (POEA) ng partial deployment ban sa Kuwait.

Ito ay matapos na atasan ni Labor Sec. Silvestre Bello III si Bernard Olalia, administrator ng POEA na pulungin ang governing board upang agad na ipatupad ang naturang deployment ban sa mga Overseas Filipino Workers (OFW) sa Kuwait.

Sa inilabas na resolusyon ng POEA, nakasaad na sakop ng deployment ban ang mga bagong hire na domestic helpers, maging ang mga dati ng domestic helpers na babalik sa Kuwait sa ilalim ng bagong employer.

Gayunman, hindi naman sakop ng ban ang mga skilled workers at household service workers na babalik sa dati o kasalukuyan nilang employers.

Kaugnay nito, sinabi naman ni Bello na obligasyon ng mga recruitment agency na ibalik ang gastos ng mga maapektuhan ng partial deployment ban.

Ang partial deployment ban na ito ay nag-ugat sa panibagong insidente ng pang-aabuso at pagkasawi ng OFW na si Jeanelyn Padernal Villavende.

Matatandaang, 2018 nang magpatupad ng total deployment ban ang Pilipinas dahil na rin sa insidente ng pagkasawi at pang-aabuso sa OFW.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -spot_img

Latest Articles

- Advertisement -spot_img