Friday, May 3, 2024

State of national emergency ipapatupad pa din sa Mindanao — Panelo

- Advertisement -

Iginiit ng Palasyo ng Malacañang na kailangan pa rin ang pagpapatupad ng state of national emergency sa Mindanao.

Ito ay sa kabila ng pagtatapos ng martial law sa Mindanao nito lamang Disyembre 31.

Ayon kay Presidential Spokesman Salvador Panelo, dapat na manatiling epektibo ang proclamation number 55 o ang state of national emergency on account of lawless violence sa rehiyon ng Mindanao upang matiyak ang pananatili law and order sa naturang lugar.

Sinabi rin ni Panelo na mayroon pang presensiya ng mga teroristang grupo sa ilang bahagi ng Mindanao at kailangan muna itong tuluyang masawata ng militar.

Nauna nang sinabi ni Defense Secretary Delfin Lorenzana na kahit wala ng martial law, mananatili sa Mindanao ang mga idineploy na puwersa upang agad makatugon sa anumang banta ng karahasan.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -spot_img

Latest Articles

- Advertisement -spot_img