PICC Forum Hall sinuri ng mga medical experts mula China

0
26

Sinuri ng mga medical experts mula sa China ang PICC Forum Hall na pansamantalang gagamitin bilang quarantine area para sa mga coronavirus disease 2019 (COVID-19) patients.

Ito ay bago tuluyang buksan ang pasilidad ngayong linggo.

Ayon sa mga eksperto na ipinadala ng gobyerno ng China, mas maganda ang ginawang pasilidad sa PICC Forum kumpara sa Wuhan, China na kurtina lamang ang ginagawang separator sa bawat cubicle.

Samantala, inirerekomenda naman ng mga ito na bawasan ang shifting hours ng mga health workers sa bansa na mula sa walong oras ay gawin na lamang itong apat na oras.