29.5 C
Manila
Wednesday, April 17, 2024

Philippine Army mananahimik muna sa kaso ni Ragos

- Advertisement -

Ipinauubaya na ng Philippine Army sa National Bureau of Investigation (NBI) ang pagkakasa ng imbestigasyon ukol sa pagkamatay ni Cpl. Winston Ragos.

Ayon kay Col. Ramon Zagala, tagapagsalita ng Philippine Army, ang naging pasya ng kanilang pinuno na si Lt/Gen. Gilbert Gapay ay para malinawan sa tunay na pangyayari sa pagkamatay ni Ragos.

Binigyang diin ni Zagala na hindi nila nais lumikha ng hidwaan sa Philippine National Police (PNP) na kanilang katuwang sa pagpapanatili ng kapayapaan at kaayusan sa bansa.

Una nang ipinagharap ng kasong homicide ng Quezon City Police District (QCPD) ang mismong tauhan nito na si P/Msgt. Daniel Florendo Jr. na nakabaril at nakapatay kay Ragos.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -