30 C
Manila
Saturday, April 13, 2024

Philippine Arena, NCC, planong gawing mega quarantine facility ng BCDA

- Advertisement -

Target ng pamahalaan na gawing mega quarantine facility para sa mga tiga-Central Luzon ang Philippine Arena sa Bulacan.

Ang Philippine Arena na nasa Bocaue, Bulacan ang itinuturing na pinakamalaking indoor arena sa buong mundo at may seating capacity na mahigit sa 50,000 katao.

Ayon kay Vince Dizon, pangulo ng Bases Conversion and Development Authority (BCDA), maliban sa Philippine Arena, gagawin rin nilang quarantine facility ang New Clark City (NCC) na una nang ginamit bilang quarantine area para sa mga OFWs.

Icoconvert rin anya ang NCC upang magamit na quarantine facility para naman sa mga patients under investigation (PUI) sa Pampanga at Tarlac.

Ilan pa anya sa mga inihahandang quarantine facility ang ASEAN Convention Center, at dalawa pang gusali ng pamahalaan sa Clark.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -