PhilHealth walang utang sa PRC —spox

0
11

Pumalag ang PhilHealth sa babala ni Senador Richard Gordon, chairman ng Philippine Red Cross (PRC), na ititigil na nila ang coronavirus disease 2019 (COVID-19) testing dahil halos P1-bilyon na ang utang ng PhilHealth.

Ayon kay PhilHealth Spokesperson Shirley Domingo, wala silang utang sa PhilHealth.

Nakapagbigay na anya sila ng mahigit sa P500-milyon sa PRC at ang pinakahuli nilang bayarin na P700-milyon ay dumating lamang naman ng Biyernes at Sabado.

Kahit one day hindi po natin maibibigay ‘yan, we have to process din po. I believed we’re also trying to iron out some details doon sa MOA, because my MOA po ‘yon between PhilHealth and Red Cross. I believed merong some details doon that we are reviewing and trying to iron out. Pero so far, lahat ng bills nila ay nabayaran naman namin,” ani Domingo. —sa panayam ng Ratsada Balita