PhilHealth sagot ang gastos sa testing sa COVID-19 — Nograles

0
24

Sasagutin na ng PhilHealth ang gastos sa testing ng COVID-19.

Inihayag ito ni Secretary to the Cabinet Karlo Nograles.

Samantala, sa hearing ng kongreso, ini-anunsyo ni Health Secretary Francisco Duque III na bumuo na ng isolation package ang PhilHealth para sa COVID-19.

Maaari rin anyang gamitin ang mild to moderate pneumonia package at sever pneumonia package ng PhilHealth.

Samantala, libre anya ang pagpapasuri ng specimen.

Yung nose and throat swabs libre po ito hindi binabayaran ito. Ang PhilHealth Board of Directors ay nagpasya na pondohan itong isolation package na 14,000, pero sa mga may kaya naman, sa mga hospital na mga pribado ay hindi namin madiktahan naman yung kanilang pricing structure so, sila ay may out of pocket,” ani Duque.