PhilHealth nakapagpalabas na ng P1.6-B para sa mga hospital members

PhilHealth nakapagpalabas na ng P1.6-B para sa mga hospital members

by Powered by DWIZ
21 views

Nakapagpalabas na ng P1.6-billion ang PhilHealth para sa mga miyembro ng ospital.

Ayon kay PhilHealth President Ricardo Morales, advance payment ito para sa mga pasyente na positibo sa coronavirus disease 2019 (COVID-19).

Muling tiniyak ni Morales na sasagutin ng PhilHealth ang medical expenses ng mga taong magkakaroon ng COVID-19 lalo na ang mga health workers.

Lahat anya ng ma-oospital dahil sa COVID-19 ay sagot ng PhilHealth maliban sa mga nakahome quarantine.

Gayunman, nilinaw ni Morales na ang bayad sa testing ay kailangang iendorso ng doktor at ng ospital.

0 comment

Related Posts