Philhealth inatasang ilabas ang listahan ng mga umano’y tiwaling health care providers

0
53

Pinalalabas ni Health Secretary Francisco Duque III sa Philhealth ang listahan ng mga health care providers na iniimbestigahan dahil sa panlilinlang.

Sinabi ni Duque na inatasan na niya ang mga opisyal ng Philhealth na alamin ang mga posibleng legal implications ng nasabing hakbang.

Bagamat wala pang desisyon ang DOH sa usaping ito, inihayag ni Duque na uubra pa ring ilabas ng Philhealth ang pangalan ng mga dawit na health care providers dahil maituturing itong factual narrative.

(with report from Aya Yupangco)