PhilHealth ‘di maaaring sabihin na umaasa na lamang sila sa koleksyon mula sa mga miyembro nito —Palasyo

0
11

Hindi tinanggap ng Malacañang ang pahayag ng PhilHealth na posibleng mabangkarote o magcollapsed na ang kanilang tanggapan sa 2022 dahil sa paubos na ang kanilang pondo bunsod ng malaking gastos sa mga pasyenteng tinamaan ng coronavirus disease 2019 (COVID-19).

Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, hindi maaaring sabihin ng PhilHealth na umaasa lamang ang naturang health insurance firm sa koleksyon nito sa mga miyembro.

Giit pa ni Roque, bilang isa sa mga author ng universal healthcare law, alam niyang hindi makakamit ang libreng gamot at libreng pagamot kung iaasa lamang ito ng PhilHealth sa premiums.