29.8 C
Manila
Saturday, April 27, 2024

PhilHealth dapat na magkaroon ng malawakang balasahan —Sen. Drilon

- Advertisement -

Dapat na magkaroon ng malawakang balasahan sa Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth).

Ito ang panawagan ni Senate Minority Leader Franklin Drilon matapos na mabunyag ang overpriced na mga coronavirus disease 2019 (COVID-19) testing packages.

Aniya, doble kasi ang binabayarang testing packages ng PhilHealth kung saan umaabot ito sa higit P8,000 kumpara sa P3,000 lamang na testing packages sa ilang mga pribadong sektor.

Maliwanag kasi aniya na mayroong grupo sa hanay ng PhilHealth na nagse-set ng mga naturang presyo, at hindi malabong ginagawa rin ito sa iba’t-ibang ospital at service provider na binabayaran din ng PhilHealth.

Sinabi pa ng senador, bagamat wala pang sapat na ebidensiya para mapatunayang may intensyon doblehin ang mga naturang testing packages ay tiyak aniya na mayroon nagaganap na iregularidad.

Giit pa ni drilon, agad naman silang magsasampa ng kaso sa oras na mayroon ng sapat na ebidensiya laban sa PhilHealth.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -