Monday, May 6, 2024

PH Navy tumanggap ng mga PPE’s mula sa PLDT-Smart

- Advertisement -

Nagpasalamat si Philippine Navy Flag Officer in Command Vice Admiral Giovanni Carlo Bacordo sa kumpaniyang PLDT-Smart na pinamumunuan ng business tycoon na si Manuel V. Pangilinan.

Ito’y makaraang bigyan ng nasabing kumpaniya ang navy ng humigit kumulang sa 1,000 mga personal protective equipment (PPE’s) at iba pang medical supplies na gagamitin sa pagtugon laban sa COVID-19.

Ayon kay Navy Spokesperson Lt/Cmdr. Maria Christina Roxas, kabilang sa mga tinanggap nilang PPE’s ay mga N95 mask, cover-all, shoe cover, gloves at goggles.

Ang mga ito ani Roxas ay ipamamahagi sa iba’t-ibang mga navy units at ospital tulad ng Manila Naval Hospital at Cavite Naval Hospital sa Sangley Point.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -spot_img

Latest Articles

- Advertisement -spot_img