PH Navy tuloy-tuloy ang pagbibigay serbisyo sa gitna ng krisis sa COVID-19

0
15

Walang tigil ang ginagawang pagtulong ng Philippine Navy sa laban ng Pilipinas kontra coronavirus disease 2019 (COVID-19).

Katunayan, ayon kay Navy public affairs office chief Lt. Commander Maria Christina Roxas, idineploy na nila ang kanilang BRP Batak para sa transportasyon ng ilang military personnel, personal protective equipment (PPE) sets, at iba’t ibang medical supplies sa mga probinsya sa Visayas.

Pahayag ni Roxas, isa sa mga misyon ng Navy ay ang maging bahagi ng paglaban ng bansa sa COVID-19.

Ang BRP Batak ay isa lamang sa mga logistic vessels ng Sealift Amphibious Force (SAF) ng Philippine Fleet at nasa pamamahala ng Naval Task Force-50 ng Naval Forces Central na nakabase sa Cebu.