29 C
Manila
Saturday, April 20, 2024

PH inflation pumalo pa sa 6.7 percent

- Advertisement -

Pumalo pa sa 6.7 percent ang inflation o bilis ng pagtaas ng presyo ng mga bilihin at serbisyo sa bansa nitong Setyembre sa ika-siyam na sunod-sunod na buwan.

Kumpara rin ito sa 6.4 percent na naitala naman noong Agosto.

Ayon sa Philippine Statistics Authority (PSA) ito na ang pinakamabilis na naitalang pagtaas sa nakalipas na siyam na taon.

Sinabi ni National Statistician, Usec. Lisa Grace Bersales na maituturing na top contributor sa pagbilis ng September inflation ang pagkain, non-alcoholic beverages, housing, water, electricity, gas, at transportasyon.

Matatandaang naitala ang pinakamabilis na inflation noong March 2009 na nasa 6.6 percent.

—-

 

 

 

 

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -