PH handa sa ‘worst case scenario’ sa mga pangyayari sa Middle East —Cimatu

0
32

Handa ang Pilipinas sa ‘worst case scenario’ o anumang posibleng matitinding pangyayari sa Middle East.

Ito mismo ang tiniyak ni Environment and Natural Resources Sec. Roy Cimatu, kasabay ng kaniyang pagtungo sa Middle East, upang pangasiwaan ang repatriation o ang pagpapa-uwi ng mga Pilipinong nasa Iraq.

Ang hakbang na ito ay upang maiwasang maipit ang mga Overseas Filipino Workers (OFWs) sa tumitinding tensyon sa pagitan ng Estados Unidos at Iran.

Gayunman, sinabi naman ni Cimatu na handa ang pamahalaan sa anumang posibleng mangyari kagaya nang pagpapakawala ng Iran ng rocket missiles para atakihin ang Estados Unidos at mga kaalyado nito.

Sa ngayon, tiniyak naman ni Cimatu na patuloy ang kanilang pagkumbinsi sa mga OFW na nasa Iran na umuwi na ng Pilipinas. —ulat ni Jill Resontoc (Patrol 7)