PH football team handa na sa pagsabak sa SEA Games

0
13

Kumpiyansa ang Philippine Football Federation (PFF) na makakasungkit ng gintong medalya sa darating na 2019 Southeast Asian (SEA) Games.

Ayon kay PFF President Mariano Araneta, tiwala siyang malakas ang pwersa ng men’s at women’s football team batay na rin sa kanilang naging assessment.

Malaking tulong aniya ang naging paglahok ng team sa ilang training camp at football competition sa ibang bansa bago ang SEA Games.

Una nang nagpahayag si Olympic silver medalist Hidilyn Diaz na positibo siyang makakakuha ng ginto ang weightlifting team ng bansa sa SEA Games gayundin sa 2020 Tokyo Olympics.