PH Embassy nag-abiso na ng kanilang operasyon sa mga Pinoy sa Netherlands

0
18

Inabisuhan ng Embahada ng Pilipinas sa Netherlands ang mga Pilipino kaugnay sa operasyon ng kanilang tanggapan sa gitna ng banta ng 2019 coronavirus disease (COVID-19).

Ayon sa embahada, nananatiling bukas ang konsulada ngunit magkakaroon ng pagbabago sa pagtanggap ng mga transaksyon.

Kailangan umano munang magpa-appointment bago magtungo sa tanggapan para hangga’t maaari ay maiwasan ang personal contact at pagdami ng tao.

Ito rin umano ang naging direktiba ng Dutch government upang maiwasan ang pagkalat ng COVID-19.