Sunday, April 28, 2024

PGH hinikayat ang mga pasyente ‘wag muna magpakonsulta sa kanilang OPD sa gitna ng COVID-19 outbreak

- Advertisement -

Hinikayat ng Philippine General Hospital (PGH) ang mga pasyente na ipagpaliban muna ang pagpapakonsulta sa kanilang Out Patient Department (OPD) sa gitna ng banta sa coronavirus disease 2019 (COVID-19).

Ayon sa pamunuan ng PGH, makabubuting huwag munang magtungo ng kanilang OPD kung hindi naman anila agaran ang pangangailan dito.

Dagdag ng ospital, magpapalabas sila ng abiso oras na maibalik na nila ang kanilang regular clinic schedules at umayos na ang sitwasyon.

Samantala, batay sa impormasyon mula sa pgh, isang pasyente na positibo sa COVID-19 ang kasalukuyang naka-admit sa kanila habang may dalawang namang pui o persons under investigation.

14 namang pui na may mild symptoms ang pinauwi muna at pinayuhang sumailalim sa self-quarantine.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -