PESO nais paimbestigahan ukol sa patuloy na pagkawala ng trabaho ng mga Pinoy sa gitna ng COVID-19 crisis

0
18

Nais paimbestigahan ni Rizal Representative Juan Fidel Nograles ang mga Public at Private Employment Services (PESO) hinggil sa patuloy na pagkawala ng trabaho ng mga Pilipino dahil sa COVID-19 pandemic.

Layon ng inihaing Resolution 1126 ni Nograles na magpatawag ng imbestigasyon para malaman ang naging bahagi ng mga public at private employment sa pagtaas ng adult joblessness rate nitong Hulyo.

Aniya nais niyang malaman kung ano ang ginagawa ng PESO sa mahigit 264,000 bakanteng posisyon sa gobyerno.

Maaari sanang makatulong umano ito para mabigyan ng opurtunidad ang mga manggagawang naapektuhan ang kanilang pamumuhay.