33.8 C
Manila
Friday, March 29, 2024

Person Of Interest Ng Panghoholdap, Patay Sa Pagadian City

- Advertisement -

Person of interest ng panghoholdap, patay sa Pagadian City matapos makaengkwentro ng pulisya ngayong gabi (August 2, 2020).

Kinilala ang napatay na suspek na si Ricky Lantaca, residente ng Tungub City.

Sa ulat ng Pagadian City PNP, nakatanggap umano sila ng tawag mula sa isang concern citizen na di-umano’y isang kahina-hinalang lalaki na nakajacket at nakamaong na mag-isang naglalakad sa barangay Balintawak.

Dahil sa nasabing impormasyon agad raw silang nagsagawa ng isang operasyon katuwang ang PIU, 1st Coy PMFC ZDS, 903rd MC RFMB9 sa purok Salingsing sa nabanggit na barangay.

Nang pahintuin umano nila ang suspek, agad raw itong bumunot ng baril at nagpaputok padereksyon sa operating team dahilan upang gumanti sila ng putok na ikinasawi ng suspek.

Si Lantaca ay isa umanong gun for hire personality at sangkot din sa carnapping/motornapping sa lungsod.

Narekober sa crime scene ang isang cal. 45 pistol, isang magazine, isang basiyo ng bala ng Cal 45 pistol, apat na piraso ng live ammo ng Cal. 45 pistol at isang piraso ng cartridge case ng 9mm pistol.

Nagsagawa na ng processing ang SOCO sa crime scene.

Patuloy pang inaalam kung ang napatay na suspek ba ay may kaugnayan sa panghoholdap patay sa dalawang negosyante sa barangay San Pedro at Sta. Lucia nitong mga nakalipas na buwan.

(Source: Pagadian News Icon)

- Advertisement -

Leave a Reply

- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -