Pelikulang ‘Mindanao’ ni Judy Ann Santos humakot ng parangal sa MMFF

0
23

Humakot ng parangal ang pelikulang Mindanao na pinagbibidahan ni Judy Ann Santos sa Metro Manila Film Festival (MMFF) para sa taong ito.

Ito ay sa kabila ng kontrobersiya matapos na tanggalin o i-pull out ang pelikula sa ilang sinehan dahil sa mababang kita nito.

Ang nasabing war drama sa direksyon ng kilalang direktor na si Brillante Mendoza ay humakot ng 11 awards kabilang na ang best picture, best child performer, best visual effects, gender sensitive award, cultural award, best director at best actress para kay Judy Santos.

Kaugnay nito, labis namang pinasalamatan ni Juday ang kaniyang pamilya, kaibigan at mga fans dahil sa walang sawang suporta ng mga ito sa kanya.

Gayunman, umapela naman si Juday sa publiko na bigyang pansin ang kanilang pelikula.