Baguio City – Matiwasay na rally para kay General Bernard Bantag, isinagawa dito sa Baguio at iba pang lugar sa Kordillera: kaso ng murder naisampa na sa kanya. Mahigit sa isang daang katao mula sa lungsod ng Baguio ang naki isa sa isinagawanag Peacefu rally para suspendidong Bureau of Corrections o BuCor Chief General Bernard Bantag na naganap sa Melvin Jones Grandstand noong Sabado.
Maliban sa mga mamamayan ng lungsod ng Baguio, may mga dumalo rin tagasunod ni General Bantag mula sa probinsiya ng Benguet, Ifugao, Kalinga at iba pang lugar dito sa rehion Kordillera na naniniwala kay Bantag na wala itong kinalaman sa pagpatay sa beteranong broadcaster na si Percy Lapid at ang middleman na si Jun Villamor.
Ayon sa lola ni General Bantag na si Victoria Waclis Salas na residente ng Lucnab, Baguio City partikular na sinalungat ang pagkaka alis sa puwesto ni Bantag bilang hepe ng BuCor na di pa nila napatunayan ang kaugnayan nito sa pagpatay kay Lapid at Villamor.
Maliban dyan, kinundina din niya ang di patas ng pagtrato ng gobierno sa apo nito kaugnay sa nasabing krimen. Samantala, nagsalita at nanawagan ang mga dumalo isa na rito ang elder leader ng mga Ibaloy at tubo ng Bokod at La Trinidad, Benguet, hiniling nila sa gobierno ang patas at di bias na pagdinig sa kaso ni Bantag.
Naniniwala ang pamilya ng nasuspending BuCor Chief na inosente ang nasabing heneral sa mga krimen na ipinararatang sa kanya. Samantala, isang rally din ang isinagawa sa Ifugao at sa iba pang lalawigan dito sa Kordillera na kung saan ay may mga tagasunod si General Bantag.
Nagkaroon din ng pagkakataon ang mga religious leaders at ng mga tribo dito sa Cordillera na manalangin para sa nasabing heneral na isa sa itinuturong nagpapatay umano sa broadcaster na Percy Lapid at maging kay Jun Villamor. (Joel Cervantes, photo courtesy of IWI)
