Peace talks sa pagitan ng gobyerno at komunistang grupo sarado na

0
64

Wala nang balak ang Pangulong Rodrigo Duterte na kausapin pa ang New People’s Army (NPA) o sinuman man sa komunistang grupo.

Ayon sa Pangulo, nakaka dismaya ang patuloy na pag-atake ng rebeldeng grupo kahit pa binuksan niya muli ang pinto para sa posibleng peacetalks ng gobyerno at CPP-NPA-NDF.

Gigil ang pangulo sa pagpapalabas ng rebeldeng grupo na sunud-sunuran lamang ang gobyerno sa kanilang hanay.