- Advertisement -
Tumanggap ang Philippine Coast Guard (PCG) ng dalawang high speed boats mula sa Japan.
Dinaluhan mismo ni Japanese Ambassador to the Philippines Koji Haneda ang turnover ceremony na tinanggap naman ni PCG Commandant Admiral Elson Hermogino.
Ayon kay Hermogino, malaking tulong ang mga speed boats lalo na’t sunod-sunod na ang mga natutuklasang naglulutangang mga cocaine sa karagatan ng bansa.
Maliban dito, magagamit din ng Coast Guard mga donasyong speed boats ng Japan sa kanilang anti-piracy at counter-terrorism operations.
—-
- Advertisement -