PCG nangangailangan ng 4,000 bagong tauhan, opisyal

0
11

Nangangailangan ng 4,000 mga bagong tauhan at opisyal ang Philippine Coast Guard (PCG) bago matapos ang taon.

Ayon kay PCG Commandant Vice Admiral Joel Garcia, hinihikayat nila ang mga interesado na maghain ng aplikasyon sa kanilang mga tanggapan.

Paliwanag nito, kailangan na ang isang kandidato ay isang natural born Filipino citizen, physically at mentally fit, nakapagtapos ng apat na taong kurso at isang civil service eligible.

Kailangan din ay maipasa ang PCG aptitude battery test para sa commissionship ng aplikante.

Nakatakda ang pagsusulit sa Nobyembre 30, Disyembre 7 at 14, 2019.