Monday, May 6, 2024

PCG muling nagpaalala ukol sa ‘no sail policy’

- Advertisement -

Muling pinaalalahanan ng Philippine Coast Guard (PCG) ang mga passenger vessels kaugnay sa pinaiiral na “no sail policy” sa mga lugar na nasa ilalim ng community quarantine.

Ayon sa PCG maaari namang makapalakaya pa rin ang mga mangingisda sa legal na kaparaanan basta’t kailangan nilang sundin ang itinakdang health protocol and safety guidelines.

Gaya na lamang ng pagsalang ng mga tripulante sa thermal check-up para ma-check ang mga body temperature nito.

Ang makikitaan ng mga sintomas ng COVID-19 ay hindi maaaring tumuloy sa paglalayag o ibubukod sa restricted cabin.

Para naman sa mga maliliit na mangingisda, pinapayuhang kanselahin na lamang ang  paglalayag kung hindi naman maganda ang nararamdaman o kung may sakit.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -spot_img

Latest Articles

- Advertisement -spot_img