PBA legends nagsanib puwersa upang tulugan si Asaytono na inatake sa puso nitong mahal na araw

0
22

Nagsanib puwersa ang PBA legends para tulungan ang kasamahang si Nelson Asaytono na inatake sa puso nitong mahal na araw.

Ayon kay Allan Caidic, pinuno ng PBA legends foundation, ilang mga dating kasamahan nila sa PBA ang nakapag abot na ng tulong sa dating basketbolista.

Sinabi ni Caidic na natutuwa sila dahil umaayos na ang kalagayan nang tinaguring the bull ng PBA nuong 80’s.

Patuloy aniya ang pagdarasal nila sa tuluyang paggaling ni Asaytono.