Patuloy na pagtaas ng COVID-19 cases sa Pilipinas ikinababahala ng UN

0
8

Ikinababahala ng United Nations (UN) ang sitwasyon ng Pilipinas dahil sa patuloy na pagtaas ng kaso ng coronavirus disease 2019 (COVID-19).

Sa pahayag ng UN, sinabi nitong lubhang nakaaalarma ang lagay ng Pilipinas, pati na ang Myanmar, dahil sa mahinang health care system ng dalawang bansa.

Una rito, matatandaang kabilang ang Pilipinas sa 11 bansa sa Southeast Asia na itinuturing na vulnerable sa COVID-19.

Sa ngayon itinuturing ang Pilipinas bilang pinakamatinding tinamaan ng COVID-19 sa mga Timog-Silangang Asya.