‘Patayin mo sila lahat’ na pahayag ni Duterte ‘wag gawing literal —bagong PhilHealth chief

0
16

‘Patayin mo sila.’

Iyan ang naging marching order ni Pangulong Rodrigo Duterte sa bagong talagang PhilHealth chief na si dating National Bureau of Investigation (NBI) director Dante Gierran.

Sa panayam ng DWIZ, sinabi ni Gierran na alinsunod sa utos ng pangulo sa kanyang paghawak sa ahensya, ay siguraduhing mapapatay o malilinis ang talamak na korapsyon dito.

Pero paglilinaw ni Gierran, hindi naman literal na pagkitil sa buhay ang ibig sabihin ng pangulo, sa halip ay nais lang nito na matuldukan na —ang matagal nang korapsyon sa PhilHealth.

Patayin mo sila lahat. ‘Pag sinabi mong patayin, ‘wag naman ‘yung literal, kasi sabi niya pera ng bayan ‘yan,” ani Gierran.

Magugunitang umalingawngaw ang PhilHealth dahil sa isyu ng bilyun-bilyong korapsyon at ilan pang mga anomalya sa gitna ng nararanasang pandemya. —sa panayam ng Ratsada Balita