Pasok sa mga tanggapan ng gobyerno sa Metro Manila suspendido

0
40

Suspendido na ang pasok sa lahat ng mga tanggapan ng pamahalaan sa Metro Manila ngayong araw, Abril 23.

Ito ang inanunsyo ni Executive Secretary Salvador Medialdea alinsunod na rin sa rekomendasyon ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC).

Ipinag-utos na rin aniya ni Pangulong Rodrigo Duterte sa lahat ng gobernador ng mga lalawigang naapektuhan ng lindol na magsagawa ng masusing pagtaya sa pinsala na idinulot ng lindol sa kanilang nasasakupan, gayundin ang pagtiyak sa kaligtasan ng publiko.