Pasok sa lahat ng field offices ng COMELEC suspendido

0
31

Suspendido na rin ang pasok sa trabaho sa lahat ng field offices ng Commission on Elections (COMELEC) sa buong bansa.

Ayon sa COMELEC, epektibo ngayong Lunes, ika-16 ng Marso, ang suspensyon ng kanilang pasok at tatagal ito ng isang buwan o habang umiiral ang community quarantine sa Metro Manila.

Layon pa rin ng naturang hakbang na maiwasan ang paglaganap pa ng coronavirus disease 2019 (COVID-19).

Magugunitang una nang sinuspinde ng COMELEC ang pagpapatuloy ng voter registration sa bansa dahil na rin sa virus.