Pasig City may pa-libreng COVID-19 testing

0
22

Magkakaroon ng libreng coronavirus disease 2019 (COVID-19) antibody test sa lungsod ng Pasig simula bukas, ika-14 ng Agosto.

Ayon kay Pasig City Mayor Vico Sotto, magiging ‘first come, first served’ ang sistemang ipatutupad sa naturang COVID-19 testing.

Bukod pa rito, dapat munang magpa-reserve ng slot bago magtungo sa Tanghalang Pasigueño na itinakdang lugar ng pagdarausan ng testing sa mga sumusunod na hotlines:

  • 0928-2911716;
  • 0928-2911717.

Sa kaparehong kalatas, sinabi ng Pasig City Local Government Unit (LGU) na hindi ito tatanggap ng walk-in clients.

Pagtitiyak naman ni Sotto, kung magiging maayos ang sistema ng testing, ay maaari itong ituloy araw-araw.