Dapat nang kanselahin ng Department of Foreign Affairs (DFA) ang pasaporte ng tinaguriang ‘drug queen’ na si Guia Gomez-Castro.
Ito ayon mismo kay Senate Minority Leader Franklin Drilon, kung saan sinabi nito na maikukunsidera na aniya si Castro bilang fugitive o takas sa batas.
Paliwanag ni Drilon, sa ilalim ng Republic Act 8239 o Philippine Passport Act, may kapangyarihan ang Foreign Affairs secretary na kanselahin ang pasaporte ng isang takas sa batas para sa interes ng national security.
Dagdag pa ng senador, mukha kasi aniyang wala nang balak si Castro na bumalik sa bansa para harapin ang mga kasong kinakaharap nito na may kaugnayan sa illegal drugs.