Thursday, May 2, 2024

Parusang kamatayan sa bansa nais maibalik ni Sen. Bato

- Advertisement -

Kakalampagin ni Senator Ronald ‘Bato’ Dela Rosa ang Senado upang muling maibalik ang parusang kamatayan sa bansa.

Ito mismo ang tiniyak ni Dela Rosa kung saan sinabi nito na natapos kasi ang 2019 nang hindi man natatalakay ang nasabing usapin sa Senado.

Ayon kay Dela Rosa, makikipag ugnayan siya kay Senator Richard Gordon na siya namang Chairman ng Senate Justice Committee upang makapag-sagawa na ng senate hearings hindi lamang sa kaniyang panukala kundi maging sa kaparehong panukala na isinumite ng kaniyang kapwa senador.

Matatandaang, Hulyo ng nakaraang taon nang isumite ni Dela Rosa ang senate bill 226 na naglalayong buhayin ang parusang kamatayan para sa mga illegal drug traffickers.

Kasalukuyan namang pending sa Senado ang kaparehong panukala na naglalayong ibalik ang parusahang kamatayan nina Senators Manny Pacquiao, Christopher “Bong” Go, at Panfilo Lacson.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -spot_img

Latest Articles

- Advertisement -spot_img