35.9 C
Manila
Saturday, April 20, 2024

Panahon na para maghanap ang DOE ng alternatibong pagkukunan ng langis—Pimentel

- Advertisement -

Panahon na para maghanap ang Dept. of Energy nang alternatibong pagkukuhanan ng langis, at iba pang produktong petrolyo.

Ito ang naging reaksiyon ni Senator Aquilino “Koko” Pimentel sa gitna ng tumitinding tensiyon sa pagitan ng Estados Unidos at Iran.

Ayon kay Pimentel, dapat na seryosohin ng Pilipinas ang isyu sa pagitan ng dalawang makapangyarihang bansa lalo na’t ang Middle East ang pangunahing pinagkukunan ng oil products sa malaking panig ng mundo.

Kaugnay nito, sinabi rin ni Pimentel na dapat ding pagtuunan ng pansin ng DOE ang pag-develop sa  mga alternatibong pagkukunan ng enerhiya dahil malaki ang maitutulong nito sa Pilipinas.

Samantala, sinabi rin ni Pimentel na maaring suspendihin ng pamahalaan ang panibagong fuel tax kung papalo sa mahigit 80 dolyar ang kada bariles ng produktong petrolyo sa tatlong magkakasunod na buwan.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -