32.7 C
Manila
Friday, April 19, 2024

Bilang ng mga nasawi sa pagbaha sa Indonesia umakyat na sa 53

- Advertisement -

Umakyat na sa 53 ang bilang ng mga nasawi sa malawakang pagbaha sa Indonesia.

Halos 200,000 residente naman ang sinasabing hindi makauwi sa kanilang mga tahanan sa Jakarta dahil lubog pa rin ito sa tubig-baha.

Ang flashfloods ay dulot ng walang tigil na pag-ulan na nagsimula nitong bisperas ng bagong taon, partikular sa mga rehiyon ng Lebak at Java Island.

Nabatid na pahirapan ang ginagawang relief at rescue operations ng mga awtoridad bunsod ng mga nasirang tulay.

Ayon sa Health ministry, nagpadala na ang pamahalaan ng Indonesia ng tinatayang 11,000 health workers at mga sundalo sa mga apektadong lugar.

 

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -