Cash assistance sa mga magsasaka na apektado ng bagsak presyo ng palay ipamamahagi na — DA

    0
    15

    Sinimulan nang ipamahagi ng Department of Agriculture (DA) ang P3-B ayuda para sa mga magsasakang apektado ng pagsadsad ng presyo ng palay.

    Ayon kay Agriculture Sec. William Dar, ipinamahagi na ng ahensiya ang nasabing halaga ng cash assistance sa 33 probinsiya na lubhang apektado ng pagbagsak ng presyo ng palay.

    Sinabi ng kalihim na umaasa sila na bago matapos ang Enero ay maipa-abot nila ang tulong sa lahat ng naapektuhang magsasaka.

    Aabot sa 600,000 magsasaka ang makatatanggap ng P5,000 sa ilalim ng cash assistance program na ito ng ahensiya.

    Matatandaang, bumagsak sa pinakamababang halaga ang presyo ng palay sa bansa dahil sa implementasyon ng rice tariffication law kung saan naitala noong Oktubre 2018 ang P15 halaga ng kada kilo ng palay.