Paratang na minanipula ni Arroyo ang 2019 national budget inalmahan ng Palasyo

0
45

Inalmahan ng Malakaniyang ang mga paratang na minanipula ni House Speaker Gloria Macapagal Arroyo ang 2019 national budget.

Ito’y matapos kuwestiyunin ni Senador Panfilo Lacson ang pagkakaroon umano ng 25 milyong pisong pondo para sa distrito ni Arroyo sa Pampanga.

Ayon kay Presidential Spokesman Salvador Panelo, batay sa kaniyang pakikipag usap kay Arroyo, itinanggi ng house speaker ang naturang alegasyon ni Lacson na may binago ito sa 2019 national budget.

Kasabay nito, tiniyak ni Panelo na kanilang sisilipin ng husto ang bawat line item sa budget ito lagdaan ng pangulo.