Matagumpay na isinagawa ng Pamahalaang Lungsod ng Iriga, sa pangunguna ng Persons with Disability Affairs Office, ang kauna-unahang 𝗔𝗥𝗥𝗜𝗕𝗔 𝗜𝗥𝗜𝗚𝗔 𝗣𝗔𝗥𝗔𝗟𝗬𝗠𝗣𝗜𝗖𝗦 dito sa Iriga City. Dahil sa programang ito, nabigyan ng pagkakataon ang mga taong may kapansanan na lumahok at ipamalas ang kanilang husay at galing sa iba’t ibang mga palaro tulad ng Wheelchair Race, Sprint, Badminton, Table Tennis, at Chess.
Patunay ito na hindi hadlang ang anumang kapansanan upang maipakita ang kanilang kakayahan sa mga palarong madalas ay hindi nabibigyan ng pansin ang mga miyembro ng PWD.
Lubos ang kasiyahan ng mga lumahok dahil bukod sa nag-enjoy na sila ay nakapag-uwi pa ng mga papremyo. Ginanap ang mga palaro ng Paralympics sa harap ng Iriga City Ceremonial Grandstand at Iriga City Sports Center. (Jv Navarro Verdeflor Jr.via LGU Iriga City, photo credits to the owner)
