Papuri ng local na gobierno ng Baguio sa Saint Louis University bilang isang paaralan na mataas ang ranking sa ASEAN

0
16

Baguio City – Pinapurihan ng lokal na gobierno ng Baguio ang Saint Louis University (SLU) sa pagiging pang 8th nito sa lahat ng universidad sa Pilipinas at ika 42 naman sa bansang miyembro ng Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) higher education institutions by Applied Higher Education Private University Ranking.

Sinabi ni Konsehal Leandro B. Yangot, Jr., na ang SLU nanatiling nasa top private higher education institutions sa Asia na nagbibigay ng karangalan at maipagmamalaki ng Louisan community, sa lungsod ng Baguio, sa rehion Cordillera at sa buong bansa. 

Anya ang SLU ay nananitiling bilang mahusay na missionary at transformative educational institution na nagbibigay ng de kalidad na edukasyon hindi lamang sa lungsod ng Baguio ngunit sa buong bansa.

Kamakailan lamang, sa ranking report na inilathala noong Disyembre a uno ng taong ito, ng Applied Higher Education Institution Private University ranking, ang SLU ay nasa ranggong ika 42nd sa hanay ng ASEAN higher education institutions at ika 8th sa mga unibersidad sa Pilipinas na sumama sa nasabing ranking. 

Bilang karagdagan, ang SLU ay patuloy na tumatanggap ng iba’t ibang parangal mula sa national and international at pagkilalla simula noong maitatag ito bilang isang mission school. (Joel Cervantes | Jimmy Bernabe, photo courtesy of Baguio City Information Office)

 

Leave a Reply