Paolo Duterte muling tumangging ipakita ang umano’y tattoo niya sa likod

0
78

Muling tumanggi si dating Davao City vice mayor at presidential son Paolo Duterte na ipakita ang umano’y tattoo niya sa likod na patunay ng pagiging miyembro nito ng drug triad.

Ito ay kaugnay ng mga nag lilipanang video kung saan isinasangkot ng isang nag pakilalang “Bikoy” ang dating bise-alkalde sa transaksiyon ng iligal na droga.

Ayon sa presidential son, kailanman ay hindi niya ipakikita ang sinasabing tattoo niya sa likod dahil wala naman itong katotohanan.

Dagdag pa nito, hindi na niya papatulan pa ang alegasyon na ito dahil malinaw naman na gawa ito ng isang indibidwal na wala sa katinuang pag iisip.

Sa kumakalat na video, ibinunyag ni “Bikoy” na mayroon siyang record ng tara o suhol na idinedeposito sa account ng mga drug lords.

Tinukoy nito ang POLODELTA account na pag-aari di umano ni Paolo Duterte kung saan mayroon na aniyang P100 million ang naka deposito dito.