Mas maraming pang sibakan sa mga susunod na araw — Pangulong Duterte

0
52

Patuloy na umaapela si Pangulong Rodrigo Duterte sa mga biktima ng katiwalian sa pamahalaan na isumbong sa kaniya o di kaya’y dumulog sa Malakanyang.

Ito’y ayon sa pangulo kasunod ng kaniyang pahiwatig na marami pang opisyal ng gobyerno ang kaniyang sisibakin sa puwesto sa mga susunod na linggo.

Ayon sa pangulo, ilan sa mga sisibakin nito sa puwesto ay ang mga opisyal na may ability to convert dahil sa ginagawa nitong pagpapahirap sa publiko lalong lalo na sa pagpoproseso ng mga dokumento.

Matatawag aniya kasing katiwalian kung ang isang opisyal aniya ng pamahalaan ay pinababalik-balik sa kaniyang tanggapan nang publiko para lamang ayusin ang kanilang mga hinihinging dokumento sa gobyerno.