Panukalang taasan ang excise tax sa alak at sigarilyo suportado ng NEDA

0
53

Suportado ng NEDA o National Economic and Development Authority ang panukalang taaasan ang excise tax sa alak at sigarilyo.

Ito ayon kay NEDA Chief Ernesto Pernia ay para madagdagan ang pondo sa full implementation ng Universal Health Care Law.

Sinabi ni Pernia na handa siyang tumulong sa pagbalangkas ng nasabing hakbang para sa dagdag na pondo sa health program ng gobyerno.

Una nang inihayag ng Department of Finance at Department of Health na isusulong ang pagpasa sa Senate Bill 1599 para madagdagan ang uniform excise tax rate sa sigarilyo mula 35 pesos tungo sa 60 pesos kada pakete sa unang taon nang pagpapatupad ng panukalang dagdag na siyam na porysento kada taon na dagdag buwis.

Bukod sa tobacco products, balak din ng DOF at DOH na isulong ang 40 peso per liter na dagdag sa unitary tax system para sa mga tinawag na fermented liquors.

Naniniwala ang NEDA na ang sin taxes pa rin ang siyang pinaka mabisang source ng dagdag na pondo sa UHC Law.